5 jail officer natulog sa duty, sinuspinde ng DILG
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tatlong buwan ni DILG Secretary Jesse Robredo ang limang city jail officers ng Navotas matapos mapatunayang natutulog habang naka-duty kaya’t natakasan ng limang bilanggo noong Enero 23 na may mga kasong murder, robbery, illegal possession of firearms at illegal drugs.
Ang mga sinuspinde ay sina Senior Inspector Manuel Serquina at apat na tauhan na sina Senior Jail Officer 3 Sencino Abrazaldo, SJO1 Adan De Loza, JO1 Loreto Edosor at JO1 Enrico Velasquez.
Sinasabing ang mga bilanggo ay nagawang makawala mula sa selda 3 sa pamamagitan ng pagdaan sa rear exit ng bilangguan na walang kamalay-malay ang mga jail officers dahil sa mahimbing na pagkatulog habang naka-duty.
Nalaman lamang na natakasan na sila ng bilanggo nang mag-ingay ang ibang preso dahil sa mga tumakas na inmates.
- Latest
- Trending