^

Metro

P40-M shabu nasamsam: Tsinoy timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga anti-drug operatives ang 8 kilong shabu shipment na galing sa China na ang halaga ay aabot sa 40 milyong piso habang arestado naman ang isang negosyanteng Filipino- Chinese matapos i-deliver sa condominium unit nito ang droga sa isinagawang operasyon sa Brgy. Ugong Norte, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Executive Director Jose Gutierrez Jr. ang nasakoteng suspect na si Marvin Sia, 27.

Ayon kay Gutierrez, bandang alas-8:30 ng umaga nang masakote ng pinagsanib na operatiba ng PDEA at Bureau of Customs (BOC) ang suspek habang tinatanggap ang shabu package na ga­ling China sa condominium unit nito sa Unit 21 B Enclave Townhouse, Green­meadows Subdivision, Brgy. Ugong Norte ng na­sabing lungsod.

Sinabi ni Gutierrez, na inalerto ang kanyang tanggapan ng mga opisyal ng Customs na naglalaman ng shabu ang package na dumating sa Diosdado Ma­capagal International Airport sa Clark, Pampanga gamit ang isang courier service.

Nabatid na ang na­sabing package ay idineklarang sodium tungstate na idineliber ng isang courier service­ na nakabase sa Pasig sa door-to-door delivery sa condo­minium ni Sia sa Green­meadows Subdivision sa Brgy. Ugong Norte ng lungsod.

Kasalukuyan namang ina­­alam ng mga opisyal kung sino ang sindikato ng illegal na droga na nasa likod ng nasabing shipment ng ma­laking bulto ng illegal na droga.

B ENCLAVE TOWNHOUSE

BRGY

BUREAU OF CUSTOMS

DIOSDADO MA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR JOSE GUTIERREZ JR.

INTERNATIONAL AIRPORT

MARVIN SIA

SHY

UGONG NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with