9-anyos nene sex slave ng amain
MANILA, Philippines - Mismo ang lola pa ng isang 9-anyos na nene ang nakahuli sa 28-anyos na amain makaraang maaktuhang nakapatong sa murang katawan ng una kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Naghihimas ng rehas na bakal matapos arestuhin ng pulisya ang suspek na si Teody Garcia ng San Juan St. sa Brgy. Dalandanan sa nasabing lungsod.
Nabatid na sinamantala ng suspek na nag-iisa ang biktima sa loob ng bahay bago isagawa ang maitim na balak ngunit naudlot ang pagkamanyakis nang biglang dumating ang lola ng bata.
Nagmamadali namang nagbihis ang suspek para takasan ang galit ng lola.
Nang tanungin ng lola ang apo, dito nabatid na maka-ilang ulit na siyang ginagalaw ng amain na hindi lang maisumbong dahil sa pananakot ng suspek. Agad na ipinaabot ng maglola sa Children’s and Women’s Desk ng Valenzuela City PNP ang insidente kung saan nasakote naman ang suspek.
- Latest
- Trending