^

Metro

1 pang biktima ng salvage, natagpuan sa Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isa namang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa loob ng sako at itinapon sa tapat ng isang bahay sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ni SPO1 Charles John Duran, ng MMP-Homi­cide Section, ang bangkay na nasa edad na 40 hanggang 45, kulot ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo na “Dragon” sa kanang braso, may tattoo rin ng mga pangalang “Boyet”, “Bon”, “Ryan”, “Doods”, at “Baquero” at sa kanang binti naman ay tattoo na “Bong Sputnik”.

Dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay na nakasako bago isinupot sa garbage bag at iniwan sa panulukan ng Agoncillo at Remedios Sts. sa Malate.

Nang busisiin, nakitang binalot ng packaging tape ang mukha nito, may busal pa ng damit ang bibig, nakatali pata­likod ang mga kamay, at ang leeg ay may nakakabit pang asul na plastic straw na ipinangsakal.

Isang barangay tanod na si James Quirante, 36, ng Brgy. 690 Zone 75 ang nakapuna sa sako habang nagpapatrulya kasama ang iba pang tanod sa lugar.

Nang alamin ang inakalang basura lamang, nakita ang nasabing bangkay kaya ipinaalam sa pulisya.

AGONCILLO

BAQUERO

BONG SPUTNIK

BOYET

CHARLES JOHN DURAN

JAMES QUIRANTE

NANG

REMEDIOS STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with