^

Metro

Mandatory physical examination sa narerekober na armas, inutos

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Upang agad na masolusyunan ang mga krimen sangkot ang paggamit ng baril, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Police Director General Nicanor A. Bartolome, sa buong hanay ng kapulisan ang mahigpit na pagsunod para sa mandatory physical examination ng lahat ng mga armas, basyo ng bala, at bala na narerekober mula sa crimes scenes.

“The purpose of this mandatory requirement is to populate the database of IBIS (integrated Ballistics Identification System) by encoding each and every piece of evidence found in the scene of a shooting incident.” sabi ni Bartolome.

Ang Integrated Ballistics Identification System (IBIS) ay may kakayahang makakuha, makapagtago, makapagkumpara, at makarekober ng milyong data entries sa isang database system na maaring makuha ng lahat ng PNP investigative units.

Madagdagan din anya ang pamamaraan ng imbestigasyon sa mga armas, slugs at cartridges na sangkot sa krimen, ayon naman kay DIDM director Police Chief Supt. Samuel B. Diciano. Binigyang halimbawa ni Diciano ang siyam na kaso ng shooting incidents sa Eastern Metro Manila ay naresolba anya sa pamamagitan ng IBIS.

ANG INTEGRATED BALLISTICS IDENTIFICATION SYSTEM

BALLISTICS IDENTIFICATION SYSTEM

BARTOLOME

BINIGYANG

DICIANO

EASTERN METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE CHIEF SUPT

POLICE DIRECTOR GENERAL NICANOR A

SAMUEL B

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with