^

Metro

Single ticketing system, hindi makakaalis sa kotong - Piston

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Malaki ang paniwala ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper­ at Operators nationwide (PISTON) na hindi maaalis ng inaprubahang uniform ticketing system ng Metro Manila Council ang korapsiyon sa lansangan.

Ayon kay Goerge San Mateo, national president ng Piston, kahit pa ipatupad ang uniform ticketing system sa Metro Manila, hindi nito maaalis ang kotong dahil hindi lamang naman ang local­ enforcers ang na­ngongotong sa mga motorista kundi maging­ ang enforcers din ng MMDA at Land Trans­portation Office (LTO)

 “Hindi lang naman local enforcers ang nangongotong eh, pati na rin enforcers ng LTO at MMDA kaya hindi kami kumbinsido diyan sa uniform ticketing sa loca­lities sa Metro Manila ipatupad man yan tuloy pa rin ang kotong,” pahayag ni San Mateo.

Noong nakalipas na Bi­yernes ay inaprubahan ng Metro Manila Council ang pagpapatupad sa single ticket­ing system sa hanay ng mga traffic enforcers ng mga lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila o nanga­ngahulugan na isang citation ticket lamang ang kanilang gagamitin sa Metro Manila para umano mawala ang kotong sa mga lansangan.

Sinabi pa ni San Mateo, nais munang malaman ng kanilang hanay kung magkanong halaga ng traffic violation penalties ang bayarin sa uniform ticketing system.

AYON

GOERGE SAN MATEO

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANS

MALAKI

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

PINAGKAISANG SAMAHAN

SAN MATEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with