^

Metro

3 tiklo sa paggawa ng pekeng sedula

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado sa isang entrapment operation ang tatlo katao sa aktong nag-iimprenta ng pekeng sedula sa tapat ng isang mall sa C. M. Recto, Sta. Cruz, Maynila.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa Article 172 ng Revised­ Penal Code (falsification by private individual and use of falsified documents) at Article 176 ng RPC (manu­facturing and possession of instruments or implements for falsi­fication) sina Jayar Mercado,19, helper; Robert de Guzman, 22, graphic/file encoder, at Rhen Galanza, 22, errand boy.

Sa ulat ni Mayor’s Complaint and Action Team (MCAT) chief, retired Col. Franklin Gacutan, nagpanggap na bibili ng mga pekeng sedula ang dalawa niyang tauhan na kinagat naman ng mga suspect.

Dakong alas -3:00 ng hapon kamakalawa nang magpanggap na naghahanap ng mabibiling sedula ang dalawa sa kahabaan ng CM Recto kung saan nilapitan sila ni Mercado at inalok kung nais magpapagawa ng diploma, transcript o sedula. Nang sabihin ng dalawang poseur buyer na kailangan nila ng 2 booklets ng CTC ay agad na tinugon ni Mercado sa halagang P1,000.

Nasa aktong ginagawa sa computer ni De Guzman ang mga pekeng sedula nang salakayin na sila ng mga operatiba ng MCAT. Nakumpiska sa mga suspect ang 3OO piraso ng pekeng CTC at computers na ginagamit sa paggawa ng pekeng sedula.

ARESTADO

COMPLAINT AND ACTION TEAM

CRUZ

DAKONG

DE GUZMAN

FRANKLIN GACUTAN

GUZMAN

JAYAR MERCADO

MERCADO

PENAL CODE

RHEN GALANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with