^

Metro

Pastor niratrat, utas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Utas ang isang pastor nang barilin ito sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Martinez Hospital ang biktimang si Angelito Gutierrez, 53, pastor ng Jesus Source of Hope Christian Fellowship at isa ring negosyante na naninirahan ng Julian Felipe St., ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng idalawang tama ng bala ng baril sa ulo  

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng umaga sa tapat ng harap ng chapel ng Jesus Source of Hope Christian Fellowship habang nakikipag-usap ito sa ilang kakilala nang   biglang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo.

Ayon sa kaibigan nitong si Bernie, nag-uusap sila ng biktima nang nakita niya ang papalapit na suspect na nagbunot ng baril at bigla na lamang pinaputukan ang biktima. Matapos ang pamamaril ay kaswal lamang na lumakad papalayo sa lugar ang suspect.

Bukod sa pagiging pastor, nagmamay-ari rin ng isang pawnshop ang biktima.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy na iniimbestigahan ang na­sabing insidente. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na pamamaslang.

vuukle comment

ANGELITO GUTIERREZ

AYON

BERNIE

BLANGKO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JESUS SOURCE OF HOPE CHRISTIAN FELLOWSHIP

JULIAN FELIPE ST.

MARTINEZ HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with