^

Metro

Motorcycle regulations isinusulong sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang konsehal ng Maynila ang pagkakaroon ng regulasyon sa mga motorsiklo upang maiwasan ang aksidente.

Sa isang draft ordinance na isinumite ni 3rd district councilor Joel Chua, kabilang sa mga regulasyon na isa lamang ang pinapayagan na sa motorsiklo; pinagbabawal ang paggamit ng earphone na nakakabit sa audio device; paggamit ng helmet sa lahat ng oras batay na rin sa ipinatutupad na ‘The Motorcycle Helmet Act of 2009’, at pagtiyak na maayos ang mga safety devices tulad ng side mirrors, headlight, taillights o signal lights at busina.

Ayon kay Chua, sa pama­magitan nito ay mababawasan ang mga aksidente sa kalsada gayundin ang mga riding in tandem.

Kasabay nito, nais din ni Chua, na dapat na ipagbawal ang paggamit ng helmet na hindi nakikita ang mukha ng rider o full face bukod pa sa paglalagay ng plaka ng motorsiklo sa helmet.

Binigyan diin ni Chua na ang kanyang pagsusumite ng nasabing ordinansa ay bunsod na rin ng mga ulat ng pagtaas ng insidente kung saan nasa­sangkot ang mga motorsiklo.

Pagmumultahin naman ng P500 hanggang P1,000 ang mga lalabag sa regulation sakaling maipasa sa konseho ng Maynila.

AYON

BINIGYAN

CHUA

ISINUSULONG

JOEL CHUA

KASABAY

MAYNILA

MOTORCYCLE HELMET ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with