^

Metro

2 suspect sa pagkamatay ng 1 pulis kinasuhan - QCPD

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa pa sa mga suspect sa nangyaring pag-ambush sa tindahan ng paputok noong Disyembre sa isang miyembro ng Quezon City Police ang sinampahan ng kasong murder at frustrated murder, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Group, kinilala ang dalawa pang suspect na sina Teddy Mala, kapatid ni PO1 Faizal Mala na nauna nang sinampahan ng kaso, at Sangcad Batalyon, mga residente sa Fairview sa lungsod.

Sinabi ni Marcelo, dalawa sa mga testigo ang kumilala sa mga suspect na kabilang sa nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng QCPD-Station 5.

Ang nangyaring pag-atake noong Disyembre ay nagresulta sa pagkamatay ni PO3 Bernard Quintero at pagkasugat ni PO3 Jessie Adajar. Nagtungo ang tropa ni Quintero sa lugar kung saan nakatayo ang mga tindahan ng paputok pero hinarang sila ng mga putok ng baril.

Si Adajar ay kabilang sa mga rumesponde bilang back-up kung saan ang mga naturang panindang paputok ay pag-aari umano ni Faizal. Agad ding naaresto si Faizal matapos ang engkwentro.

Nag-positibo rin si Faizal sa gun powder burns nang suriin at agad na sinampahan ng reklamong murder at frustrated murder sa piskalya.

Bukod dito, naharap din si Faizal sa kasong illegal possession of firearm at paglabag sa batas tulad ng pagpapakalat at pagbebenta ng paputok.

BERNARD QUINTERO

CHIEF INSPECTOR RODEL MARCELO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DISYEMBRE

FAIZAL

FAIZAL MALA

JESSIE ADAJAR

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with