Baby kinidnap sa bangketa

MANILA, Philippines - Isang 4-na-buwang sanggol na lalaki ang umano’y tina­ngay ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang ito ay natutulog katabi ng kanyang mga magulang sa bangketa sa Arroceros, Maynila. Ito ang hinala ng mag-live-in partner na sina Maricris Villa­nueva, 21, at Jesus Canedo, 23, sa kanilang pagdulog kay Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) chief, C/Insp. Marcelo Reyes matapos hindi na makita ang kanilang anak ilang araw na ang nakararaan.

Natutulog umano sila sa gilid ng bangketa at nang ma­gising sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng madaling- araw ay doon nila natuklasan na wala na sa tabi nila ang beybi.

Show comments