^

Metro

Suspect sa Taguig masaker, inilagay sa most wanted list

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inilagay na sa Top 10 most wanted criminals ng Taguig City Police ang suspek sa pagmasaker sa tatlong miyembro ng isang pamilya na pinagbabaril nito noong Martes ng gabi sa naturang lungsod.

Sinabi ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Tomas Apolinario na ibibilang na nila sa mga tinutugis nilang most wanted criminal si Marco Capurcos.

Natuklasan na bukod sa naturang pagpatay, may iba pang kasong kinakaharap ang suspek kabilang ang paggilit sa leeg ng isang batang vendor ng balot at pagbaril sa isang babaeng anak ng isang barangay kagawad.

Inihayag din ni Apolinario na may mga pending warrant of arrest din si Capurcos sa kasong frustrated homicide kung saan agad na nagtago ito sa Iloilo at kamakailan lamang lumutang sa Taguig.

Pinagbabaril ng salarin sina Flordeliza Rapales, mga anak na sina Godofredo Jr. at Norberto. Patuloy na ino­obserbahan naman sa pa­gamutan ang isa pang biktima na si Miraflor Rapales, 20, na dating live-in partner ni Capurcos.

Ayon sa mister ni Flor­deliza, hindi umano nila maisuplong noon si Capurcos sa pulisya sa kabila ng mga kasong kinakaharap dahil sa ayaw nilang masira ang relasyon nito at ng kanyang anak na si Miraflor na nagbunga ng isang supling.

vuukle comment

APOLINARIO

AYON

CAPURCOS

FLORDELIZA RAPALES

GODOFREDO JR.

ILOILO

MARCO CAPURCOS

MIRAFLOR RAPALES

SR. SUPT

TAGUIG CITY POLICE

TOMAS APOLINARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with