^

Metro

Suspect sa Ramgen slay na sumuko sa NBI, ipinalilipat sa Parañaque jail

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inatasan na kahapon ng Parañaque City Regional Trial­ Court ang NBI na ipasa na ang kustodiya sa isa sa mga suspek sa Ramgen Bautista murder na si Ryan Pastera sa Paranaque City Jail.

 Sa inilabas na “commitment order” ni Judge Fortunito Madrona ng branch 174, iniutos nito na mapunta na sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Pastera at maikulong sa city jail.

Ito’y makaraang iprisinta kahapon ng NBI si Pastera sa korte matapos na sumuko sa ahensya nitong naka­raang Lunes.

 Unang sinabi naman ni NBI officer Atty. Romulo Asis na kanilang ililipat ang kustodiya kay Pastera sa oras na magpalabas ng kautusan ang korte.

Ang naturang kautusan ni Madrona ay sa kabila ng isinampang mosyon ni Atty. Melinda Salcedo na payagan silang sa NBI detention cell manatili si Pastera dahil sa mga natatanggap umano nitong banta sa kanyang buhay.  Patunay umano nito ang mga napapansin nilang umaaligid na lalaki na lulan ng motorsiklo sa bisinidad ng kanilang bahay.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CITY REGIONAL TRIAL

INATASAN

JUDGE FORTUNITO MADRONA

MELINDA SALCEDO

PARANAQUE CITY JAIL

PASTERA

RAMGEN BAUTISTA

ROMULO ASIS

RYAN PASTERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with