'Kuliglig' ban pa rin sa Maynila
MANILA, Philippines - Mahigpit pa rin ang pagbabawal ng ‘kuliglig’ sa Maynila, matapos na ibasura ng Manila Regional Trial Court ang isinampang petition for certiorari ng grupo ng mga kuliglig drivers.
Nag-ugat ang paghahain ng petisyon bilang pagkontra sa kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim na i-ban sa mga major at national road ang mga kuliglig.
Sa dalawang pahinang kautusan ni Manila Regional Trial Court (RTC) branch 39 Presiding Judge Noli Diaz, kinatigan nito ang “motion to dismiss” na inihain ng lungsod ng Maynila, matapos umanong mabigo ang mga miyembro ng Alyansa ng Nagkakaisang Pedicab at Kuliglig Drivers ng Manila na dumalo sa pre-trial conference at sa hindi pagsusumite ng kanilang pre-trial brief.
Nauna rito, iginiit ng grupo na dahil sa Executive Order No. 16 at 17, pinagkaitan umano sila ng kanilang ikabubuhay.
- Latest
- Trending