^

Metro

Kelot pumalag sa holdap, utas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinihinalang nanlaban kaya sinaksak sa dibdib at binaril sa katawan ang isang 28-anyos na lalaki nang holdapin ng isang grupo ng kalalakihan, sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nalaglag pa sa sinasak­yang motorsiklo ang dugu­ang si Ryan Bautista, nang barilin ng di pa mga kilalang salarin dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa panulukan ng Bonifacio at JP Rizal Sts.

Nagsisigaw ang biktima na narinig ng mga residente kaya sinaklolohan at sinundo ang kapatid nito na siyang nagdala sa kaniya sa Tondo Medical Center su­balit hindi na umabot ng buhay, ayon sa ulat. Patuloy pang inimbestigahan ang kaso.

vuukle comment

BONIFACIO

MAYNILA

NAGSISIGAW

NALAGLAG

PATULOY

RIZAL STS

RYAN BAUTISTA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with