^

Metro

2 pulis, 2 pa todas sa Taguig blast

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Apat na lalaki kabilang ang dalawang pulis ang na­sawi makaraang sumambulat ang isang vintage bomb na tinangka nilang buksan sa loob ng isang metal workshop sa Taguig City kahapon ng hapon. Kinilala ang mga ito na sina PO2 Elizalde Bisaya, PO3 Jose Toralba, kapwa miyembro ng Special Action Force ng NCRPO, Crisanto Daguio, may-ari ng shop at Riza Romualdo, may-ari ng bakery habang kritikal naman si PO2 Arnold Mayo.

Naganap ang pagsabog pasado alas-3 ng hapon sa isang metal workshop sa may Purok 6 Brgy. Upper Bicutan sa naturang lungsod. Sinabi ni Taguig Police chief, Sr. Supt. Tomas Apolinario na may dalang isang mortar type ang mga biktima na kanilang tinangkang buksan sa loob ng metal workshop gamit ang isang acetylene torch.

Dito sumambulat ang naturang vintage bomb sa mismong mga biktima na naging dahilan ng kanilang pagkasawi. Patuloy naman ngayon ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente kung saan inaalam kung saan nakuha ng mga biktima ang naturang vintage bomb.

vuukle comment

ARNOLD MAYO

CRISANTO DAGUIO

ELIZALDE BISAYA

JOSE TORALBA

RIZA ROMUALDO

SPECIAL ACTION FORCE

SR. SUPT

TAGUIG CITY

TAGUIG POLICE

TOMAS APOLINARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with