^

Metro

Ina, 2 anak minasaker sa Taguig

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang isa pa ang nasa kri­tikal na kondisyon ma­ka­raang pagbabarilin ang mga ito ng da­ting live-in partner ng isa sa biktima sa loob ng kanilang bahay sa Taguig City kama­kalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang mga nasawi na sina Flordeliza Rapales, 53, at mga anak niyang sina Godo­fredo Jr., 26 at Norberto, 22.

Isinugod naman sa Ph­ i­­­­li­p­pine General Hospital ang isa pang anak ni Flordeliza na si Miraflor Rapales, 20, na nasa kritikal na kondis­yon dahil sa tama ng bala sa mukha.

Pinaghahanap naman nga­yon ang nakatakas na suspek na nakilalang si Marc Capurcos, 23, dating live-in partner ng biktimang si Miraflor.

Nabatid na naganap ang masaker sa bahay ng mga Rapales sa Brgy. Upper Bi­cutan sa naturang lungsod dakong alas-9 ng gabi.

Ayon sa isa sa kaanak ng mga biktima, narinig nila na nakikipagtalo ang suspek kay Miraflor hanggang sa ma­karinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nakita nilang huma­ha­ngos na lumabas ng bahay ang suspek at saka tu­makas makaraan ang pamamaril.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police na matagal nang nakikipaghiwalay si Mira­flor kay Capurcos da­hil sa masamang ugali nito. Nagulat na lamang ang pamilya Rapales nang dumating sa kanilang bahay ang suspek na armado ng baril at pagbabarilin ang mga biktima.

Narekober sa lugar ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 baril­.

Patuloy naman ngayon ang paghahanap ng pu­lisya sa suspek upang ma­dakip at mapa­nagot sa krimen.

vuukle comment

GENERAL HOSPITAL

MARC CAPURCOS

MIRAFLOR

MIRAFLOR RAPALES

NABATID

RAPALES

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with