^

Metro

Kelot utas sa riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki ma­tapos itong barilin ng riding-in- tandem sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Nheilboy Stallo, 23, factory worker at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. 631, Sta. Mesa, Manila.

Ayon sa isang saksi, ang mga suspect na nagpakilalang miyembro ng Barangay Police and Security Officers ng Brgy. Commonwealth ay sakay ng isang Kawasaki at mabilis na tumakas makaraang isagawa ang krimen.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, ganap na alas-9:30 ng gabi

Base sa testimonya ng isang saksi, nakatayo siya malapit sa nasabing lugar nang makarinig ng mga putok ng baril.

Nang lumapit siya upang tingnan, nakita niya ang biktima na sakay ng motorsiklo at duguan na humihingi ng tulong. Mula rito ay nakita niya ang mga suspect na nilapitan ang biktima saka muling binaril sa ulo, bago tuluyang tumakas sakay ng kanilang motorsiklo patungo sa di-malamang lugar.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POLICE AND SECURITY OFFICERS

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

KAWASAKI

KINILALA

LITEX ROAD

MULA

NANG

NHEILBOY STALLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with