5 pumuga sa Navotas jail

MANILA, Philippines - Limang preso ang nakatakas mula sa Navotas City Jail kahapon. Kinilala ang mga pugante na sina Mark Anthony Austria; Lito Labongray; Jaryl Salvador; Narciso Disipulo at Alejandro Alex.       

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4 ng umaga nang makapuga ang lima mula sa selda 3 sa Navotas City Jail, na mata­tagpuan sa M. Naval St., Brgy. Sipac ng nabanggit na lungsod.

Iniimbestigahan pa kung papaano nakapuga ang lima at kung may pagkukulang ang mga nagbabantay ditong jail officer­.

Show comments