^

Metro

Drug lord na 'chop-chop king' pa, todas sa engkuwentro

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ng mga tauhan ng Manila Police District- Station 9 ang tinaguriang drug lord na ‘chop-chop king’ matapos ang engkuwentro sa naganap na buy-bust operation, kahapon ng umaga sa Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Apat na tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Abdhul “Basit” Macalaw, 43 , matapos na makipag­palitan ng putok kina P/Supt.Ernesto Tendero, hepe ng MPD-PS 9 at mga tauhan nito.

Naganap ang engkuwentro dakong alas-6:30 ng umaga, matapos na magpositibo na nasa bahay ang suspect na target ng operasyon ng pulisya. Matagal na umanong under surveillance ang suspect dahil sa illegal nitong aktibidad sa Maynila.

Nalaman na kay Macalaw ibinebenta ang mga tsina-chop- chop na piyesa ng motorsiklo sa Maynila.

Bukod dito, sa kanya rin umano nanggagaling ang mga ibine­bentang droga sa Maynila at nasa talaan din ito ng most wanted sa lungsod. Sa halip na sumuko sa mga awtoridad, nanlaban ang suspect dahilan ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

ABDHUL

APAT

BASIT

BUKOD

ERNESTO TENDERO

ISLA PUTING BATO

MACALAW

MANILA POLICE

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with