^

Metro

3 salvage victim ikinalat sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlong bangkay na naman ng hindi nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, pasado alas-6 ng umaga nang matagpuan ang unang bangkay sa tambakan ng basura sa panulukan ng Panalturan at Biak-na-Bato sa Brgy. Manreza.

Nakasuot ang biktima ng pulang t-shirt at checkered na shorts. May tattoo ito sa kanang braso at kanang hita na nakasulat ang SSS o sige-sige sputnik at may katagang do or die.

Ganap na alas-7:30 ng umaga naman nang matagpuan ang isa pang bangkay malapit sa Star Paper Company sa Harmony Street, Sitio Tibagan, Brgy. Balingasa.

Nakasuot ang ikalawang biktima ng pulang t-shirt, maong pants at may tattoo rin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan. May bakas din ito ng sakal sa leeg.

Ilang minuto ang nakalipas, isa pang bangkay ng lalaki ang natagpuan naman sa panulukan ng Bulusan at Maria Clara Streets, Brgy. San Isidro Labrador. Nakasuot naman ito ng kulay gray na t-shirt at maong pants. May palatandaan din ito na sinakal at may nakabaon na pako sa ulo. Nakabalot ng transparent na plastic ang ulo nito at may tattoo sa batok.

Kung pagbabasehan ang tattoo ng tatlong biktima, indikasyon ito na ang tatlo ay pawang galing ng kulungan. Nitong Lunes, dalawang bangkay din ng lalaki ang natagpuan sa Bonifacio Avenue malapit sa Magnas St., Brgy. N.S. Amoranto.

Naniniwala ang mga awtoridad na maaaring may kaugnayan ang lahat ng nakuhang bangkay dahil sa magkakahalintulad na paraan ng pagpaslang sa mga ito. Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa na­sabing insidente.

BONIFACIO AVENUE

BRGY

HARMONY STREET

MAGNAS ST.

MARIA CLARA STREETS

NAKASUOT

NITONG LUNES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN ISIDRO LABRADOR

SITIO TIBAGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with