^

Metro

Lalaki todas sa 15-anyos

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 24-anyos na lalaki  makaraang saksakin ng isang 15-anyos na out-of-school youth sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

 Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical  Center ang biktimang si Bobby de Guzman, may-asawa ng #815 Leonor Rivera St. Sta. Cruz, Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Isang oras matapos ang insidente ay isinuko naman sa awtoridad ng kanyang ina ang suspect na si Ro­bert  Fernandez, ng Kalimbas  St., Sta. Cruz, Maynila. 

Sa ulat ni SPO2  Edmundo Cabal ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Leonor Rivera at Blumentritt Sts., Sta. Cruz, Manila.

Nabatid na habang may dalang cutter ang suspect upang ayusin ang bilao para sa hihiwaing mga gulay nang dumating ang biktima at sinuntok siya sa mukha at natumba subalit hindi siya lumaban at  umuwi sa kanilang bahay.

Nang makita umano ng suspect ang ama na dumating ay ito naman ang sinuntok ng biktima at natumba rin kaya nagdilim umano ang kanyang paningin at nang madampot ang kustilyo ay inundayan ng saksak ang tagiliran ng biktima.

Ang mga saksi na ang nagdala sa biktima sa pagamutan subalit nasawi din.

vuukle comment

BLUMENTRITT STS

CRUZ

EDMUNDO CABAL

FERNANDEZ

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL

LEONOR RIVERA

LEONOR RIVERA ST. STA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with