^

Metro

8 huli sa video karera

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Walo katao ang di­na­kip matapos na sala­kayin ng mga tauhan ng  Manila City Hall Police As­sistance (CHAPA) ang dalawang bahay na pinagla­lagyan ng video karera sa Pandacan, Maynila.

Kinilala ang mga ina­resto na sina Ricky Lauzon­, 32; Renato delos Trinos, 44; Renato Emmanuel, 35; Abelardo Lumanlan,42 na  huli sa aktong naglalaro ng VK sa  #1922 Obesis St. Pandacan, Manila at sina Lezel Quizmoro, 40; Christopher Bonete, 26; Edward Zapeda, 28, na nasa #1918 Obesis St. Pandacan, Maynila.

Batay sa report ni  Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng CHAPA at concurrent  ng General Assignment Section ng  Manila Police District (MPD), nakatanggap sila ng reklamo na laganap ang VK sa lugar na mahigpit na ipinagbabawal  ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Agad na pinakalat ni  Reyes ang  kanyang mga tauhan na sina  Insp. Adelaido Araneta, PO3 Alfredo Castro, PO2 Rodel Maligon na nasa 1st team habang sina PO2 Aurelio Neral III, JayJay  Jacob, PO2 Sabino Panganiban, Jr. at PO1 Dennis  Suba ang 2nd team na sumalakay sa Brgy. 844 Zone 92.

Dito ay huli sa akto ang pito sa paglalaro  ng  VK kung saan nakuha din ang  mga P1 coin na ginagamit sa VK.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating  ang isang Raquel Quizmoro kung saan pilit na kinu­kuha si Lezel Quizmoro. Pinayuhan at binalaan ni  Reyes si Raquel na hindi maaaring palayain si Lezel dahil  huli ito sa aktong naglalaro ng VK na lalong ikinagalit ni Raquel. Dito na din inutos ni  Reyes ang paghuli kay Racquel.

Ang pito ay kaka­suhan ng  PD 1602 o illegal gambling habang si Raquel ay kakasuhan ng  Disobedience to Lawful Order habang naka­kulong sa Manila City Hall detention cell.

vuukle comment

ABELARDO LUMANLAN

ADELAIDO ARANETA

ALFREDO CASTRO

AURELIO NERAL

LEZEL QUIZMORO

OBESIS ST. PANDACAN

RAQUEL

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with