^

Metro

Shoot-to-kill order inutos ni Lim vs pinsang pulis ng torture cop

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines -  Nagpalabas ng shoot-to-kill order si Manila Mayor Alfredo Lim laban sa isang pulis na pinsan ng torture cop na si Sr. Insp. Joselito Binayug at tatlo pang kasamahan nito na humol­dap at pumatay sa isang negos­yante kung saan sugatan naman ang kapatid at  ama nito noong Enero 11 sa Binondo, Maynila.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni  Lim na inatasan niya sina  MPD director Chief Supt. Alex Gutierrez, Homicide chief Sr. Insp. Joey de Ocampo at Station 11 chief, Supt. Ferdinand Qui­rante na paigtingin ang kanilang manhunt operation upang mada­kip sina PO1 Ernesto Bi­nayug, Jr.; isang alyas “Mac” at dalawang iba pa na responsable sa panghoholdap sa mga ne­gosyanteng sina Heidi Hsu, 26; Herbert Hsu, 24; at Tony Hsu, 67, sa panulukan ng Madrid  at Lavezares St. Binondo, Maynila. Nabatid na namatay si Heidi sa insidente.

Lumilitaw sa report na sakay si Tony ng kan­yang motorsiklo  sa kahabaan ng Lavezares St. nang makitang kinukuyog ng tatlo sa apat na suspect na armado ng baril ang kanyang mga anak na sina Heidi at Herbert. Nang malapitan ang kanyang mga anak upang tulungan, pinaputukan sila ng mga suspect.

Agad na tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo kung saan tumulong naman ang ilang concerned citizen na nakakita sa insi­dente at dinala ang mga biktima sa Gat Andres Bonifacio Hospital.

Lumitaw ang pa­ngalan ni  Bina­yug sa ginawang mga follow-up operations ng pulisya kasabay ng kumpirmasyon na hindi  na ito matagpuan sa kanyang bahay at hindi na rin ito nagre-report sa NCRPO kung saan ito nakatalaga.

Ayon kay Lim, nana­natiling mapanganib si Binayug kung kaya’t ka­ilangan ang pag-iingat habang isinasagawa ang  manhunt dito.

Pinayuhan naman ni Chief of Staff at Media Information Bureau  chief Ric de Guzman si Binayug at kasamahan nito na sumuko na lamang at harapin ang kanilang kaso.

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

BINAYUG

CHIEF OF STAFF

CHIEF SUPT

ERNESTO BI

FERDINAND QUI

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

SHY

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with