^

Metro

Sekyu patay sa ka-duelo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard habang sugatan naman­ ang kabarilan nito makaraang mauwi sa du­welo ang pagtatalo sa parking space sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jomer Montalban, 20, security guard sa Villa Ortigas 1 at residente ng Bliss Homes Brgy. Hulo, Mandaluyong City.

Patuloy naman na gina­gamot sa Cardinal Santos Memorial Hospital ang suspect na si Terrence Tong, 34, at residente ng 10th Avenue New Manila sa lungsod.

Ayon kay SPO2 Chris Ronquillo, nangyari ang in­sidente sa may parking area sa harapan ng Unit B-3 Villa Ortigas Homes, Brgy. Va­lencia, Cubao ganap na alas-8:10 ng gabi.

Sinasabing ang hindi pagkakaunawaan sa parking space ang sanhi ng pag-aaway ng dalawa na nauwi sa barilan, matapos na si­tahin ng biktima ang suspect habang nagpaparada ito ng kanyang sasakyan sa na­sabing lugar.

Sa duwelo ay agad na binawian ng buhay si Mon­talban, habang nagawa namang makasakay ng kanyang sasakyan si Tong at naihatid ang sarili sa Cardinal Santos Hospital para ma­gamot sanhi ng tinamong tama ng bala sa binti.

Narekober sa pinangya­rihan ng insidente ang siyam­ na basyo ng kalibre 9mm na baril at tatlong basyo naman ng kalibre 38 na baril.

Ayon kay Ronquillo, hindi pa umano malinaw kung sino sa kanila ang unang nagpaputok ng baril dahil hindi pa makausap nang maayos ang suspect.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya kaugnay sa insidente.

vuukle comment

AVENUE NEW MANILA

AYON

BLISS HOMES BRGY

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

CARDINAL SANTOS MEMORIAL HOSPITAL

CHRIS RONQUILLO

JOMER MONTALBAN

MANDALUYONG CITY

PATULOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with