^

Metro

PDEA naniniwalang 1 hanggang 2 shabu lab nakatayo sa bawat siyudad sa MM

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may isa hanggang dalawang shabu laboratory ang nakatayo sa bawat siyudad sa Metro Manila.

Ayon kay PDEA National Capital Region Director Pedrito Magsino, sa ngayon mahigpit na binabantayan nila ang mga exclusive subdivisions sa Metro Manila bunga na rin ng na­sabing impormasyon na may posibilidad na may mga nakatayong shabu lab sa mga ito. Tinitingnan ng nasabing ahensya ang pagiging mahigpit sa seguridad na ipinapatupad sa mga subdibisyon kung kaya sinasamantala ito ng mga sindikato para magtayo ng shabu lab dahil hindi sila masyadong napupuna.

Sa ngayon, binabantayan pa rin ng PDEA ang ilang shabu lab sa Ayala Alabang at ang mga kalapit lugar nito.

Ipinagbigay-alam na rin nila umano ang mga kaganapang ito sa mga may-ari ng subdibisyon para na rin sa kanilang kapakanan. Nauna nang sinabi ng PDEA na pawang isang sindikato lamang­ ang may-ari ng tatlong laboratoryo ng shabu na sinalakay sa may exclusive subdivision sa Ayala Alabang, Muntinlupa.

Umapela si PDEA Director General Jose Gutierrez Jr., sa homeoweners’ associations ng bawat subdivision sa Metro M­anila na makipag-cooperate sa awtoridad at agad na ipagbigay alam kung may nakikitang kahina-hinala aktibidad sa kanilang lugar.

AYALA ALABANG

AYON

DIRECTOR GENERAL JOSE GUTIERREZ JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INAMIN

IPINAGBIGAY

METRO M

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR PEDRITO MAGSINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with