^

Metro

RJ Bautista naghain ng 'not guilty plea'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling itinanggi ng 18-anyos­ na si Ramon Joseph Bautista ang pagka­kasangkot sa pagpaslang sa kanyang kuya Ramgen Bautista makaraang mag­hain ng “not guilty plea” sa pagbasa ng sakdal sa kasong murder sa Parañaque City Regional Trial­ Court kahapon ng umaga­.

Bukod kay RJ, naghain rin ng not guilty plea ang da­lawa pang akusadong sina Michael Jay Nartea at Roy Francis Tolisora nang basahan ng demanda sa sala ni Parañaque RTC Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 matapos ituro ng mga testigo na sangkot sa krimen dakong alas-9:00 ng umaga.

Naglabas na rin ng warrant of arrest si Judge Madrona­ na nilagdaan noong Enero 13 na nag-aatas na arestuhin na ang iba pang akusado na sina Ma. Ramona Belen Bautista na kasalukuyang nasa bansang Turkey, Glaiza Visda at live-in partner na si Jan Norwin de la Cruz at Ryan Pastera, alyas “Bryan”.

Ito’y makaraang iakyat ang kasong murder at frustrated murder ni Parañaque Asst. City Prosecutor Leah Roma noong Enero 10 sa korte­ matapos na maka­ha­nap ng “probable cause” sa mga iprinisintang ebidensya at testimonya. Wala namang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong murder.

Si Ramona ang kasama nina Ramgen at kasintahang si Janel Manahan nang barilin ang mga ito ng gunman, habang sina Visda, Dela Cruz at Pastera ang sinasabing mga kinontak ng magkakapatid na Bautista para umarkila ng gunman.

Hindi pa naman maaaring ihain ang warrant of arrest laban kay Ramona makaraang bigyan ng 10-araw ng korte ang prosecutor upang sagutin ang inihaing “motion for judicial determination of probable cause” na inihain ng abogado nito na si Atty. Jeffrey Gepte .

Itinakda naman ni Judge Madrona ang pagsisimula ng paglilitis sa mga akusado sa Marso 1 araw ng Huwebes matapos itong hilingin ng abogado ni Manahan.

CITY PROSECUTOR LEAH ROMA

CITY REGIONAL TRIAL

DELA CRUZ

ENERO

GLAIZA VISDA

JAN NORWIN

JANEL MANAHAN

JEFFREY GEPTE

JUDGE MADRONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with