^

Metro

Inuman niratrat: 2 utas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang agad na nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang paulanan ng bala ng isang grupo ng kalalakihan ang umpukan ng nag-iinumang biktima, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot nang buhay sa Alabang Medical Clinic ang biktimang sina Jeffrey Iman, 31, construction worker at Jonie Estaloza, 22, technician.

Sugatan naman ang ikatlong biktima na si Gerome Esquia, 22, na nahagip din ng bala sa isang bahagi ng katawan.

Agad namang nadakip sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang mga suspek na sina Jemar Loresca, 23; Cesar Legaspi 26; Gerald Almario, 22; at William Cuesta, pawang mga nakatira sa Purok 7C Ilaya St., Brgy. Alabang.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang kalibre .45 baril na umano’y ginamit sa pamamaril sa mga biktima.

Dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Bunyi Compound sa East Service Road, Brgy. Cupang kung saan masayang nag-iinuman ang grupo ng mga biktima.

Bigla umanong pumasok ang mga suspek na sinasabing matagal nang kaalitan ng mga nasawi at sunud-sunod na pina­ulanan ng putok ng baril ang umpukan ng mga nag-iinuman.

Nakadetine ngayon sa Muntinlupa City Police detention cell ang mga nadakip na suspek at inihahanda ang pagsa­sampa ng kasong murder at frustrated murder laban sa mga ito.

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CLINIC

BRGY

BUNYI COMPOUND

CESAR LEGASPI

EAST SERVICE ROAD

GERALD ALMARIO

GEROME ESQUIA

ILAYA ST.

JEFFREY IMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with