^

Metro

Opisyal ng MMDA, patay sa tandem

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) maka­raang bistayin ng bala ng isa sa dalawang lalaki lulan ng isang motorsiklo sa tapat ng bahay nito kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Gabriel Lopez, ang biktima na si Cesar Bacani­, 54, field operation officer, at residente ng Fernando St., Brgy. Ba­rangka.

Sa ulat ng Marikina police­, naganap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi sa harapan mismo ng bahay ng biktima.

Nabatid na kagagaling lamang sa pagsisimba ni Bacani at iginagarahe ang kanyang motorsiklo nang huminto sa tapat niya ang isa pang motorsiklo lulan ang mga salarin.

Isa sa salarin ang lumapit sa biktima at ma­lapitang pinagbabaril ito gamit ang isang hindi pa mabatid na baril saka umangkas muli sa kasamahan at mabilis na tumakas.

Nagtamo ang biktima ng siyam na tama ng bala sa ulo, leeg at iba pang bahagi ng katawan.

Hinala ng mga pulis na may kinalaman sa trabaho ni Bacani o personal na alitan ang motibo sa pagpatay sa kanya.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa naturang krimen.

vuukle comment

BACANI

BRGY

CESAR BACANI

FERNANDO ST.

GABRIEL LOPEZ

HINALA

ISA

MARIKINA CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with