Founding anniversary ng Navotas ngayon
MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ngayon (Enero 16) ng Navotas City ang kanilang founding anniversary sa kakaibang pamamaraan.
Ang ‘Pangisdaan Festival’, ang pinakakaabangan at itinuturing na engrandeng event sa lungsod.
Ang isang linggong selebrasyon ay sinimulan noong Enero 8 sa pamamagitan ng motorcade at fun bike sa buong lungsod.
“Kilala kasi kami bilang fishing capital sa mundo, maraming water-related skills na pinagtutuunan namin ng pansin para lalong mapayabong ang aming kultura at tradition,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.
Bukod sa grand festival na inihanda sa ika-106th founding anniversary, ang iba pang aktibidades ay kinabibilangan ng Mega Job Fair, Trade Fair, Drum and Lyre Competition, Mutya ng Navotas, Perlass de Navotas, Mardi Gras Parade and Pistang Kristiyano.
Ang tema sa taong ito ay “Kulturang Navoteño, Buhayin, Linangin at Paunlarin, Navotas, Navotaas!”
- Latest
- Trending