Ospital itatayo sa loob ng QC jail

MANILA, Philippines - Sa layunin na mapigilan ang pagkalat ng iba’t ibang sakit sa loob ng masisikip na mga kulungan sa Quezon City Jail, isang maliit na pagamutan ang itatayo sa loob nito.

Ayon kay Supt. Joseph Vela, warden ng QC Jail, iaayos ng maliit na pagamutan ang kalagayan ng mga may sakit na preso lalo na ang mga may tuberkulosis at mapigilan ang iba pang preso na mahawa ng nasabing sakit.

Sinabi ni Vela, ang kasalu­kuyang itinatayong pagamutan ay may kapasidad na 60 kama at naisakatuparan ito sa tulong ng International Committee on the Red Cross (ICRC).

Nabigyan din ang QC Jail sa pamamagitan ni QC Mayor Herbert Bautista ng sputum laboratory noong Nob. 11, 2011 na malaki ang naitulong upang mapigilan ang pagkalat ng TB.

Aniya, ang pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto sa kulungan ang pinagtutuunan ng pansin lalo na ang kalusugan at kalinisan. Isa na rito ang pagpapatupad ng “no smoking policy.” Nabawasan nito ang bilang ng mga nagkakasakit.

Idinagdag ni Vela na kapag naitayo at nakalipat na sa bagong kulungan, mawawala na ang problema sa pagsisikip ng kulungan.

Show comments