^

Metro

Mag-bestfriend huli sa pekeng P1k

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Arestado ang magkaibigan na inaakusahang nagpapa­kalat ng mga pekeng P1,000 sa mga tindahan sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Kapwa nakadetine sa Mandaluyong City Police Station ang mga suspek na sina Don Ryan Macapagal, 23, binata, ng Barrio San Isidro, Sta. Ana, Pampanga at Rodrigo Timola Jr., 25, ng Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon kay P/Chief Insp. Numeriano Gabuya, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU), ang magkaibigan ay naaresto ng mga miyembro ng Bantay Bayan batay sa reklamo ng biktimang si Luzviminda Banaag, 39, negos­yante at   ng Nueve de Pebrero St., Mandaluyong City.

Sa reklamo ng biktima, lumilitaw­ na dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang siya’y abalang nagtitinda sa kanyang Mini-Store nang bumili ang dalawang suspek ng inumin at sigarilyo na nagkakahalaga ng P61.

Nagbigay umano ng isang P1,000 bill ang mga suspek, ngunit bago pa man suklian ay tiningnan muna ng biktima sa kaniyang money detector kung peke o hindi ang pera.

Nang matiyak na peke ay palihim na umanong tumawag sa Bantay Bayan ang biktima at ipinaaresto ang dalawa.

Pagdating ng mga miyembro ng Bantay Bayan ay tinangka pa umanong tumakas ng mga suspek ngunit dahil may polio si Macapagal ay hindi rin nito nagawa pang makatakas hanggang sa tuluyang maaresto.

Bukod sa ibinayad nilang pekeng pera kay Banaag, narekober din ng mga awto­ridad mula sa mga suspek ang da­lawa pang pekeng P1,000 bill sanhi upang kaagad na itong dalhin sa presinto.

Aminado naman ang da­lawa na alam nilang peke ang dalang pera at sinubukan lamang nila kung makakalusot ito kung gagamitin nila sa pagbili sa mga sari-sari store.

Ang mga suspek ay nahaharap na sa kasong estafa at counterfeiting.

BANTAY BAYAN

BARRIO SAN ISIDRO

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DON RYAN MACAPAGAL

LOWER BICUTAN

LUZVIMINDA BANAAG

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with