^

Metro

Presyo ng petrolyo, muling tumaas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muling sumirit ang presyo ng petrolyo sa bansa makaraang magpatupad ng ika­lawang pagtataas ang mga kom­panya ng langis kahapon na iti­niyempo pa sa Friday the 13th kahapon.

Sabay-sabay na nagtaas ng kanilang presyo ang Petron­ Corporation, Total at Chevron Philippines dakong alas-6 ng umaga habang nakisabay rin ang Pilipinas Shell.

Nasa P.80 sentimos kada litro­ ang itinaas ng mga ito sa kanilang super premium, premium­ at unleaded na gaso­lina, P.25 sentimos kada litro sa regular na gasolina, P.50 sen­timos sa diesel at P.40 sentimos sa kerosene.

Matatandaan na unang nagtaas ng P1 kada litro sa gasolina, diesel at kerosene ang mga kompanya ng la­ngis nitong nakaraang Martes lamang­.

Una nang sinabi ni Department of Energy (DOE) ang nakaambang bigtime oil price hike dahil sa pagtaas umano ng presyo ng inaangkat na langis buhat sa Gitnang Si­langan dahil sa sigalot dulot ng bansang Iran.

Pinakiusapan naman umano ng DOE ang mga kompanya ng langis na gawing “staggered basis” o magkakahiwalay ang pagtataas na isasagawa para hindi mabigla ang mga motorista.  

CHEVRON PHILIPPINES

DEPARTMENT OF ENERGY

GITNANG SI

MATATANDAAN

NASA P

PETRON

PILIPINAS SHELL

PINAKIUSAPAN

SABAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with