^

Metro

Bumastos sa puntod nina Ninoy at Cory, tiklo na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naaresto na ng Parañaque City Police ang lalaking hinihinalang lumapastangan sa puntod nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Ninoy Aquino nang matukoy ang bahay nito sa lalawigan ng Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Parañaque City Police chief Sr. Supt. Billy Beltran ang nadakip na si Mariano Peralta Alganion, nasa hustong gulang. Dinala na ito sa Parañaque City Police at kinukunan ng pahayag.

Sa ulat ng pulisya, inukitan ang puntod ng mag-asawang Aquino na natuklasan nitong araw ng Pasko. Binuhusan din ng suspect ng maitim na langis ang mga puntod at nag-iwan ng isang papel na may nakasulat na mga hindi maintindihang bagay.

Natukoy ng pulisya si Alganion na siyang may kagagawan nito makaraang mahalukay sa kanilang rekord na una na rin itong gumawa ng eksena   noong Oktubre 31 nang tangkaing lumapit kay Pangulong Aquino at iabot ang isang dokumento. Nang inspeksyunin ang dokumento, nadiskubre na katulad ng nakasulat dito ang nakalagay sa papel na iniwan ng salarin sa puntod.

 Sinabi ni Beltran na inihahanda na nila ang pagsa­sampa ng kasong malicious mischief laban kay Alganion sa Parañaque City Prosecutor’s Office ngunit kung mapapatunayan naman na may sira sa pag-iisip ito ay posibleng mapawalang-sala sa naturang kaso.

ALGANION

AQUINO

BILLY BELTRAN

CITY POLICE

CITY PROSECUTOR

MARIANO PERALTA ALGANION

PANGULONG AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

SENADOR NINOY AQUINO

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with