^

Metro

Babae sa maleta, OFW mula Bahrain

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang babaeng natagpuan ang bangkay sa loob ng isang maleta sa car park ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes ang biktima na si Nids Bajin, 20, isang OFW na kagagaling lamang umano buhat sa bansang Bahrain sa Gitnang Si­langan.

Sinabi ni Reyes na posi­tibong kinilala si Bajin ng mga kaanak nito na nagtungo sa punerarya.

Nabatid na dakong alas-3 ng hapon nitong nakaraang Martes nang lumapag sa bansa si Bajin. Matapos nito, hindi na nakatanggap ng mensahe ang mga kaanak sa biktima hanggang sa matagpuan na nga ang bangkay na nakasilid sa isang maleta ng security personnel ng NAIA sa car park 1.

Bukod sa pagkakabasag ng nguso sanhi ng pagpalo ng matigas na bagay, may marka rin na sinakal ang biktima na maaaring pangunahing dahilan ng pagkamatay nito.

Blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa naturang krimen.

Sinabi ni Pasay Police-Station Investigation and Detection Management Section chief, Chief Insp. Joey Goforth na hindi nakuha sa lahat ng CCTV ang pagpaslang sa biktima at pagtapon sa bangkay nito.

Patuloy naman ngayon ang pag-analisa ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations sa lugar ng krimen at sa bangkay ng biktima upang makahanap ng impormasyon para sa ikareresolba ng krimen.

BAJIN

CHIEF INSP

GITNANG SI

ISANG OVERSEAS FILIPINO WORKER

JOEY GOFORTH

MELCHOR REYES

NIDS BAJIN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE-STATION INVESTIGATION AND DETECTION MANAGEMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with