^

Metro

Driver utas sa Russian roulette

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Patay ang isang family driver nang maglaro ng Russian roulette sa harap ng mga kaibigan sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Isinugod pa sa Ospital ng Sampaloc subalit idineklarang patay ang biktimang si Paul Gregorio, 29, ng Cristobal St., Sampaloc, Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang sentido.

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa inuupahang kuwarto ng isang Sonny Pateo sa Geronimo St., Sampaloc.

Isa ang nasawi sa magkakaibigang nanonood umano ng pelikula sa DVD sa loob ng kuwarto ni Pateo.

Nagulat umano ang mga kaibigang sina Sarah Delena, Rocky Corbin, Joanna Marie Retanal nang makitang may hawak na baril ang biktima.

Nakuha umano ito sa ilalim ng unan sa nasabing kuwarto at nilagyan ng isang bala.

Nang itutok umano sa sentido ay pinigilan siya ng mga kaibigan hanggang sa kalabitin at hindi naman pumutok.

Nang muling kalabitin ay pumutok ito sa sentido at bumagsak ang biktima.

Hindi na narekober ang kalibre .38 baril na ginamit ng biktima na sinasabing kinuha na umano ng isang alyas Kiyel.

Patuloy pang iimbestigahan ang insidente upang matukoy kung may naganap na foul play.

vuukle comment

CRISTOBAL ST.

GERONIMO ST.

JOANNA MARIE RETANAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NANG

PAUL GREGORIO

RAMIR DIMAGIBA

ROCKY CORBIN

SARAH DELENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with