^

Metro

68 nasawi sa dengue sa Quezon City noong 2011

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Umabot sa 68 katao ang nasawi noong taong 2011 sanhi ng sakit na dengue.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, head ng Epide­miology and Surveillance Unit ng Quezon City Hall, ang naturang bilang ng nasawi ay mula sa 8,431 katao na na­dale ng dengue sa lungsod noong nakaraang taon.

Anya ang Barangay Bagbag ang nakapagtala ng may pinakamalaking bilang ng nagka-dengue na may 418 cases, sumunod ang Brgy. San Bartolome na may 409 kaso, sinunduan ng Brgy. Commonwealth na may 347 kaso ga­yundin ang Barangay Batasan Hills na may 333 kaso at Brgy. Gulod na may 312 kaso.

Sa Barangay Batasan Hills naman nagmula ang pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa dengue.

Sinabi ni Cruz na karamihan sa mga naging biktima ng dengue ay mula isang taong gulang hanggang sampung taong gulang.

ANYA

BARANGAY BAGBAG

BATASAN HILLS

BRGY

DR. ROLANDO CRUZ

QUEZON CITY HALL

SA BARANGAY BATASAN HILLS

SAN BARTOLOME

SURVEILLANCE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with