^

Metro

Riding in tandem dalawang ulit sumalakay sa Taguig

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Dalawang beses na sumalakay ang hinihinalang iisang grupo ng riding in tandem na mga holdaper kung saan dalawa katao ang binaril ng mga ito sa magkahiwalay na panghoholdap, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Kritikal sa Parañaque District Hospital dahil sa tama ng bala sa tiyan ang 31-anyos na kolektor ng pautang na si Jessica Pesidas, ng Brgy. Old Lower Bicutan, habang isinugod rin sa pagamutan ang ikalawang biktima na si Wilfredo Gonzales, 57, ng Purok 6, Brgy. Upper Bicutan.

Sa ulat ng Southern Police District, unang tinangkang holdapin ng dalawang hindi nakilalang salarin lulan ng isang motorsiklo si Pesidas dakong alas-2:30 ng hapon. Pasakay ng sarili niyang motorsiklo si Pesidas sa may Frienship St., Brgy. South Signal Village nang lapitan at dikitan ng dalawang salarin.

Tinangkang hablutin ng mga holdaper ang dalang bag na koleksyon sa pautang ni Pesidas ngunit nanlaban ito kaya pinaputukan ng isa sa mga holdaper.   Nakuha naman ng atensyon ang kaguluhan sa mga tao kaya mabilis na tumakas ang mga holdaper­. Dakong alas-5:30 naman ng hapon nang barilin din ng isa sa dalawang lalaking magka-angkas din sa motorsiklo si Gonzales habang nakaupo sa harapan ng kanilang bahay. Tinangkang hablutin umano ng mga salarin ang gintong kuwintas na suot ng biktima ngunit pumalag ito kaya ito binaril sa hita.

BRGY

DISTRICT HOSPITAL

FRIENSHIP ST.

JESSICA PESIDAS

OLD LOWER BICUTAN

PESIDAS

SOUTH SIGNAL VILLAGE

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with