^

Metro

Pawnshop nilooban: P15-M tangay ng 'Acetylene gang'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magpipiyesta ang mga miyembro ng ‘Ace­tylene gang’ makaraang matagumpay na ma­tangay ang P15 mil­yong halaga ng alahas at salapi buhat sa isang sanglaan na pinasok sa pamamagitan ng pag­hu­hukay ng tunnel sa Parañaque City.

Natuklasan ang naturang panloloob dakong alas-8 kamakalawa ng umaga sa Mega Trend Pawnshop na nasa Qui­rino Avenue cor. Rivera Sts., Brgy. Baclaran, ng naturang lungsod.

Ayon sa branch ma­nager nito na si Gemma Hawthore, 32, natuklasan niya ang naganap na panloloob sa kanyang pagpasok matapos ang kanilang pagsasara nitong nakaraang Linggo.

Nadiskubre niya na bukas ang dalawang kaha-de-yero ng sanglaan na naglalaman ng malaking halaga ng salapi habang na­limas din ng mga salarin ang mga mamahaling alahas­, laptop computer at maging isang baril na naka-prenda sa sanglaan.

Natuklasan din ang malaking butas sa loob ng establisimento na ginawang tunnel na tumatagos patungo sa manhole sa Rivera St. na siyang dinaanan ng mga magnanakaw para makapasok sa sanglaan.

Iniwanan naman ng mga salarin sa loob ng sanglaan ang bareta de kabra, sinsel, tangke ng super kalan at acetylene torch na ginamit ng mga ito sa pagsira sa kaha-de-yero at paghuhukay.

vuukle comment

AYON

BACLARAN

BRGY

GEMMA HAWTHORE

INIWANAN

MEGA TREND PAWNSHOP

NATUKLASAN

RIVERA ST.

RIVERA STS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with