^

Metro

Ramona Bautista itinuturong nagpakalat ng sex video

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natukoy ng kampo ni Janelle Manahan na sa Europa umano nagmula ang “uploading” ng sex video nito at ng namayapang nobyo na si Ramgen Revilla.

Dahil dito, itinuro ni Atty. Argee Guevarra na si Ramona “Mara” Bautista na nasa Turkey ang siyang posibleng nagpakalat umano ng “sex video” ng kanyang namayapang kapatid sa internet.

Sinabi ni Guevarra na base sa isinagawa nilang imbestigasyon, tinukoy nila kung sino ang unang nag-upload ng sex video sa “YouTube” at ang IP addresses na lumalabas ay nagbuhat sa Europa.

Alam umano ng lahat kung sino sa pamilya Bautista ang nasa Europa ngayon. Ito umano ay si Ramona na nagtungo sa Turkey noong Nobyembre 4 upang takasan ang kon­trobersya ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

Unang itinanggi ni Genelyn Magsaysay, ina nina Ramgen at Ramona, na sa kanila nanggaling ang “sex video” dahil sa nasa pulisya ang lahat ng gamit ng nasawi niyang anak ngunit kinala­unan ay inamin na nasa kanilang posesyon pa ang laptop computer ng biktima ngunit hindi nila mabuksan dahil sa hindi nila alam ang password. Sinabi naman ng kampo ni Manahan na pinag-aaralan nilang sampahan na ng kasong paglabag sa “Anti-Voyeurism Act” sa ilang miyembro ng pamilya Bautista dahil sa pag-upload ng naturang sex video.

vuukle comment

ALAM

ANTI-VOYEURISM ACT

ARGEE GUEVARRA

BAUTISTA

DAHIL

GENELYN MAGSAYSAY

JANELLE MANAHAN

RAMGEN REVILLA

RAMONA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with