^

Metro

Fare hike, malabo - LTFRB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Malabong maipatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtataas sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan laluna sa mga passenger jeepney sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, hindi naman ang pagtataas lamang sa presyo ng gasolina ang pinagbabatayan ng ahensiya para aprubahan ang request na fare hike ng transport groups kundi kailangan din nilang maisumite sa LTFRB ang kanilang financial statement at katunayan na sila ay nalulugi dahil sa oil price hike.

Sinabi ni Iway na sa katunayan, ang Metro Manila pas­senger jeepney lamang ang humihingi ng fare hike at hindi ang mga taga- probinsiya na doon mas mataas ang bentahan ng produktong petrolyo ng P5 hanggang P6 kada litro partikular sa Region 7 sa Cebu.

“Nagtataka nga kami, bakit ang transport group sa Metro Manila ay humihingi ng taas sa pasahe at hindi man lamang nagre-request ang mga nasa probinsiya laluna sa Cebu gayung mas mataas doon ang bentahan ng gasolina,” pahayag ni Iway.

Binigyang diin ni Iway na bago sila mag-apruba ng mga fare hike petitions ay kailangang mabusisi nila ito ng husto upang hindi naman gaanong makaapekto sa maliliit na mamamayan na sumasakay ng jeep.

Gayunman, sinabi ni Iway na patuloy nilang bubusisiin at pag-aaralan ang 50 centavos na provisional increase na nais itaas ng mga passenger jeep.

Sa ngayon ay P8.00 ang minimum fare sa jeep at ma­giging P8.50 ang minimum na pasahe sa passenger jeepney kapag naaprubahan ng LTFRB ang 50 centavos provisional increase.  

vuukle comment

BINIGYANG

CEBU

GAYUNMAN

IWAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MALABONG

MANUEL IWAY

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with