^

Metro

14 anyos tigok sa pasahero ng taxi

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pamamaril sa isang binatilyo ng isang ‘di pa kilalang lalaki na sakay ng isang kulay berdeng taxi, sa San Andres, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isalba ng mga doctor sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Julius Cesar B.  Venzon Jr.,out of school youth, ng Building no.4 Osmena Highway,  San Andres, Maynila. Sa ulat ni PO1 Richie Caligagan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang  insidente dakong alas 9:20 ng gabi sa panulukan ng Vito Cruz at Osmena Highway sa nasabing lugar. Nakikipagkuwentuhan umano ang binatilyo sa ilang kaibigan nang biglang humimpil sa tapat nila ang nasabing taxi, na hindi naplakahan at biglang pinaputukan ang biktima sa katawan, bago humarurot ang taxi papalayo sa lugar. May hinala ang pulisya na posibleng napagkamalan lamang ang biktima at ibang tao ang target dahil napakabata pa nito at madilim sa lugar na tinatambayan ng grupo ng biktima. Nangangalap pa ng impormasyon at ebidensiya ang awtoridad upang matukoy ang pagkilanlan ng gunman.

JULIUS CESAR

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MASUSING

MAYNILA

OSMENA HIGHWAY

RICHIE CALIGAGAN

SAN ANDRES

VENZON JR.

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with