Estudyante binoga, dedo

MANILA, Philippines - Sabog ang utak ng isang estudyante matapos na pagbabarilin sa ulo at katawan ng tatlong di kilalang lalaki habang nagkakabit ng banderitas bilang paghahanda sa kapistahan sa kanilang lugar sa Marikina City kamaka­lawa ng gabi.

Dead on the spot ang bik­timang si Antonio Ra­mirez, 17, binata, estu­d­yante at residente ng 63 Kaolin St., Twin River Subdivision,Barangay Pa­rang, Ma­ri­kina City, bunsod nang tinamong ‘di ma­bilang na tama ng bala mula sa di pa tukoy na kalibre ng baril.

Target naman na ng manhunt operation ang tat­long di kilalang suspect na mabilis na tumakas lu­lan ng dalawang motorsiklo matapos ang krimen.

Sa isinagawang imbes­tigasyon ni PO3 Efren Can­­tor, ng Marikina City Po­lice, lumilitaw na dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng isang pa­aralan ng kindergarten sa Barangay Parang, Marikina City habang nagkakabit ang biktima ng banderitas sa kalsada.

Bigla na lang umanong bumaba ng motorsiklo ang tatlo at kaagad na pinaputukan ang biktima na tina­maan sa  katawan.

Tinangka pang tumakas ng biktima ngunit hinabol ito ng mga suspect at nang maabutan ay kaagad na niratrat sa ulo na kaagad nitong ikinasawi.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, lumilitaw na ang biktima ay miyembro uma­no ng isang fraternity sa kanilang lugar ngunit ina­alam pa ng pulisya kung may kinalaman ito sa krimen.

Show comments