Mag-asawa niratrat sa bahay, ginang todas

MANILA, Philippines - Isang babae ang na­ma­­tay habang kritikal naman ang live-in partner ni­to makaraang pasukin at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Dead on the spot ang bik­timang nakilala lamang sa pangalang Net-Net ha­bang ginagamot sa Tondo Medical Center ang kinakasama nitong si Gerry delos Eras, 38, kapwa na­ninirahan sa Agora, North Bay Boulevard, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang tu­­makas na suspect na nakilala lamang sa alyas na “Boy”, residente rin ng naturang lugar.

Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police, naga­nap ang pamamaril dakong alas-3 ng madaling- araw sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nasa kasarapan ng pagtulog ang mag-asawa nang pasukin ng suspect at bigla na lamang pagbabarilin gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Patuloy naman ang gi­nagawang imbestigas-­ yon ng mga otoridad sa kaso upang mabatid ang motibo ng naturang krimen at paghahanap sa suspect.

Show comments