^

Metro

2 holdaper tiklo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na naaktuhang nanghoholdap sa pampasaherong dyip sa Ermita, Maynila, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni C/Inspector Daniel Buyao, hepe ng Manila Police­ District-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU), ang mga suspect na sina Niel Sakro, 40, ng Caloocan City at Bencio Aronsado, 42, ng Sta. Cruz, Maynila, ay sinampahan na ng kasong robbery hold-up matapos pormal na magharap ng reklamo ang nabiktima.

Sa pahayag ng biktimang si Sergio Magno, ng   Quezon City, dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa T. M. Kalaw ay sumakay siya ng jeep na may biyaheng Pier nang sabayan siya ng dalawang suspect. Tinutukan umano siya ng balisong at nang pumalag siya ay pinalo pa siya ng baril sa ulo.

Dahil dito ay nagkaroon ng komosyon sa loob ng jeep kasabay na rin ng sigawan ng mga pasahero na nakaagaw ng pansin sa nagpapatrulyang mga tauhan ng DPIOU.

Nadakip ang dalawa at narekober sa mga ito ang isang kalibre 38 na baril na kargado ng limang bala at isang balisong.  

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

BENCIO ARONSADO

CALOOCAN CITY

DANIEL BUYAO

DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

MANILA POLICE

MAYNILA

NIEL SAKRO

QUEZON CITY

SERGIO MAGNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with