^

Metro

Bebot tinaniman ng bala sa ulo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na babae ang tinaniman ng bala sa ulo ng dalawang salarin, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Hindi na naisugod pa sa pagamutan ang biktima na agad na nasawi sanhi ng tama ng bala ng kalibre .38 sa ulo na si Imine Montil, tubong Agusan del Sur at dating naninirahan sa Purok 6-C, Bagong Tanyag, ng na­turang lungsod.

Nakilala naman ang gunman sa alyas na “Paroc” na mabilis na tumakas kasama ang isa pang kasabwat lulan ng isang motorsiklo.

Sa salaysay ni Jonathan Tubo, 21, live-in partner ng biktima, kausap nila ang suspek na si Paroc malapit sa Blue Mosque habang nakatayo sa hindi kalayuan ang kasamahan nito nang bigla itong magbunot ng baril at paputukan si Montil.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa illegal na droga ang motibo sa pamamaril.  

vuukle comment

AGUSAN

BAGONG TANYAG

BLUE MOSQUE

IMINE MONTIL

INAALAM

ISANG

JONATHAN TUBO

MONTIL

PAROC

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with