^

Metro

Sinalakay na drug den sa Quiapo, kuta ng terorista

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kuta umano ng mga terorista na planong maghasik ng gulo sa Pista ng Nazareno sa Lunes ang sinalakay na drug at gambling den sa Palanca, Quiapo, Maynila kamakalawa kung saan nadakip ang may 18 katao .

Ito ang ibinunyag ni Chief Insp. Mar Reyes, hepe ng Manila­ City Hall PCP at MPD-General Assignment Section chief matapos na isang intel report ang kanyang natanggap habang isi­na­sagawa ang paghahanda sa naturang kapistahan.

Ayon kay Reyes, nakasaad sa intel report na isang nag­ngangalang Jamil Sali o Jamid Sali na isang Abu Sayyaf Gang member kasama ang isang Sheik Omar Samunsang ang magkasama ngayon at nanunuluyan sa Palanca, Quiapo ang nagpaplano ng terorismo.

Aniya, kailangan na maberipika ang mga intel report upang agad na maagapan at maiwasan ang karahasan.

Sinabi ni Reyes na puspusan ang paghahanda at seguridad­ ng Maynila sa Pista ng Quiapo upang walang deboto ang masasaktan.

Hindi naman nag-aksaya pa ng panahon ang grupo ni Reyes at agad na plinano ang pagsalakay.

Bagama’t bigo ang mga awtoridad na madakip sina Sali at Samunsang nahuli naman sa akto ng mga pulis ang mga nahuling suspect na nagpa-pot session habang nagsasagawa ng video karera.

Dito ay nadakip si Saidamin Usngan na nagmamantina ng 10 video karera.   

vuukle comment

ABU SAYYAF GANG

CHIEF INSP

CITY HALL

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JAMID SALI

JAMIL SALI

MAR REYES

MAYNILA

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with