^

Metro

Kelot sa loob ng kotse, durog sa tren

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kasama ng nayupi sa loob ng sinasakyan niyang kotse   ang isang 35-anyos na lalaki makaraang mabangga at kaladkarin ng isang tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Archimides Arboleda, resi­dente ng Doña Rosario Heights, Sucat, Parañaque City.

Sa imbestigasyon ng Muntinlupa Traffic Enforcement Unit, naganap ang tra­hedya dakong alas-7 kahapon ng umaga sa may railroad crossing sa Sucat Road. Nabatid na tumutunog na ang warning bell sa in­terseksyon ngunit nakipagkarerahan pa rin umano si Arboleda sa paniwalang kaya niyang unahan ang tren.

Nakalagpas na sana ang sinasakyang Honda City (XEW-877) ng biktima ngunit nahagip ng tren ang hulihang bahagi nito sanhi upang ma­kaladkad ang behikulo at mag­kayupi-yupi. Nagtamo naman ng matinding pinsala sa katawan at ulo ang biktima na sanhi ng kanyang kamatayan.

Nabatid sa imbestigas­ yon na galing ang PNR train (body number DMR05) sa Tutuban station sa Maynila at patungong Laguna nang maganap ang aksidente.

Nakatakda namang ipatawag ng pulisya ang operator ng naturang tren sa pakiki­pagkoordinasyon nila sa PNR upang makunan ng pahayag ito.  

vuukle comment

ARCHIMIDES ARBOLEDA

HONDA CITY

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

NABATID

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

ROSARIO HEIGHTS

SHY

SUCAT ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with