Mister na nang-hostage ng misis, kalaboso
MANILA, Philippines - Nakakulong ang isang mister matapos nitong i-hostage ang kanyang misis at makumpiskahan pa ng granada kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Nakilala ang suspek na si Gider de Leon, 34, ng Alma Jose St., Camarin ng nasabing lungsod.
Kinilala naman ang misis nitong si Maria de Leon, at nakatira sa nabanggit na lugar.
Ayon sa Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawang de Leon.
Nabatid na nagtalo ang dalawa sa hindi pa mabatid na dahilan, kung saan hinostage muna ng suspek ang kanyang misis bago ito naglabas ng granada.
Nabulabog ang mga kapitbahay ng mag-asawa, dahilan upang tumawag ang mga ito ng mga pulis at sa pagresponde ng mga alagad ng batas ay sumuko naman ang lalaki. Inaalam na rin ng mga pulis kung may record sa pulisya si Gider kung saan inaalam na rin ang pinagtalunan ng mag-asawa.
- Latest
- Trending