^

Metro

Indian national utas sa misis na Pinay

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Patay ang isang Indian national makaraang barilin ito ng kanyang misis na Pinay sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Parminder Singh, 43, ne­gosyante ng Emerald St., Silverland, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan at kaliwang dibdib.

Sumuko naman sa mga pulis ang nakabaril na misis na si Emily Singh, 38, tubong Roxas, Capiz at re­sidente rin sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ni PO2 Eugene Hernandez, may hawak ng kaso sa Criminal Investi­gation and Detection Unit ng QCPD, nangyari ang insi­dente pasado alas-12:35 ng madaling araw sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Sinasabing umuwing la­sing ang biktima pero nag­pa­tuloy rin ito sa pag-iinom hang­gang sa inakusahan nito ang misis (suspek) na may ka­la­­guyo.

Dahil dito nauwi ang usa­pan sa pag-aaway hanggang sa pinalo umano ng bote ng beer ng biktima ang misis na hindi pa nakun­tento ay hinabol pa ng patalim ng nasawi.

Nagtatakbo umano ang misis sa ikalawang palapag ng kanilang bahay hanggang sa kinuha nito ang kanilang .9mm kalibreng baril bago pinutukan sa katawan ang pa­parating na mister na hawak pa rin ang patalim.

Mabilis ding isinugod ng babae ang biktima sa paga­mutan bago ito kusang loob na sumuko sa mga aw­to­ridad.

Napag-alamang ikinasal ang biktima at suspek noong Jan. 1996 at nagkaroon sila ng tatlong anak. 

vuukle comment

CRIMINAL INVESTI

DETECTION UNIT

EMERALD ST.

EMILY SINGH

EUGENE HERNANDEZ

PARMINDER SINGH

PASONG TAMO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with